LOLA 101

Artist’s Statement

Bakit Lola?

Dami ngang nagtatanong sa akin, specially yung mga lola na naiinterview ko.  Ano ba ang dapat kong isagot?  Opo, in love ako sa kanila.

Isa na siguro dahil si Nanay ay isa na ring lola at naging lola siya dahil sa akin, ako na isang bunso, ako pa ang nauna sa kanilang lahat kong kapatid na magkaanak.  Naniniwala ako na ito’y dahil na rin sa aking kagustuhan at kung maging positibo man ang epekto nito sa akin at sa mundo ay siguradong kasama ko na ang aking anak  sa pagsubaybay nito.

Simula nung nag-abroad si Daddy, kasa-kasama na namin lagi si nanay sa lahat ng bagay.  Mahirap paiyakin yun, at kahit ano pa man ang sabihin nila ay proud ako kay Inay. Siya ay naging itay na rin namin. Habang malakas pa siya, gusto kong punuan lahat ng pagmamahal ang bawat araw na kasama namin siya, dahil napakalayo na niya ngayon at kasalukuyang namamahala ng isang babuyan sa Pangasinan.  Ganunpaman, tuloy pa rin ang aming mga texts at call sa isa’t-isa.  Di ko nagawa lahat ng iyan sa sarili kong lola, kaya ako nangangalap ng 101 na mga lola para makabawi.  Gusto kong makinig sa mga istorya nila.

Pangalawa, nagkaroon kami dati ng group exhibition sa Talisay, Negros Occidental na isang extended Gallery of Avellana patungkol kay Kapitana Dicang na isang lola rin.  Napakaraming sumali, pero a day before ng pasahan na lang saka ko ginawa yung aking piyesa (siguro sanay lang talaga ako sa habulan).  Umuulan noon, ang layo ng aking tingin sa labas na parang nagmamakaawa na sana’y matapos agad ang mga patak.  Isang iglap na sumingit sa aking isipan ang mga dahon at bulaklak sa aking bakuran, “pwede na ‘to!” ayun, nilagyan ko ng ink at sinubukang iprint, “wow epektibo..” sinubukang mag-drawing sa ibabaw ng dahon sabay nilagyan ng ink ulit “oo nga…pwede nga…” sinubukang mag-ukit sa kahoy ng signature para iba din, “wow tapos nako… wow panis!!! Ang sarap maglaro…” tuloy lang ang pag-ulan.

Ayon kay Sir Albert na curator at owner ng Avellana Gallery, gawa raw ako ng marami pero dapat may istorya.  Tatlong taon na ang nakakaraan mula nang masimulan ang proyektong ito, kaunting usap at diskusyon.  Kailangan ko lang na interviewhin sila at makagawa ng aking mga monoprints sa mismong bahay o bakuran nila habang nakikipagkuwentuhan.  Sinu-sinong lola kaya?  Nagtuloy-tuloy na ang aking LOLA 101, at sinimulan ko nang kulitin ang mga matitiyagang lolang ito:   

1.     Adela Potente
2.     Adelaida Arias *
3.     Alice Pañares
4.     Anna Sarabia de leon
5.     Andrea Shimura
6.     Anna Marie Castro
7.     Araceli Limcaco Dans
8.     Baboo Mondonedo *
9.     Bienvenida Evangelista- Garcia *
10.  Carmen Gruta *
11.  Cedie Lopez Vargas *
12.  Paquita Chikiamco
13.  Conchita Osquiza *
14.  Conie Palod
15.  Deanna Ongpin – Recto *
16.  Ditas Lerma
17.  Elsa Aquino *
18.  Elsie Kalaw Santos *
19.  Erlinda Vendiola
20.  Evelynne Horilleno
21.  Florenda Jamar
22.  Gene de Guia
23.  Gilda Cordero Fernando
24.  Imelda Cajipe-Endaya
25.  Ivi Avellana Cosio*
26.  Janet  Javier
27.  Jessie Lichauco*
28.  Josefina Paras
29.  Julie Borromeo
30.  Letticia Rubio*
31.  Nanay Letty
32.  Letty Urdas
33.  Lola Dulag Cobcobo
34.  Lola Fausta Vendiola
35.  Lourdes Molina
36.  Lucing Celis
37.  Lydia Gaston*
38.  Manang Bibingka- Jaqueline Monta*
39.  Marcelina Cobcobo
40.  Marian Nash
41.  Mariel Francisco
42.  Mia Benguet
43.  Cristina Montelibano
44.  Raquel Villavicencio
45.  Socorro Ramos
46.  Susan Lopez
47.  Susan Tamondong*
48.  Tana Dicang
49.  Teresita Torrecampo
50.  Tet Elomina*
51.  Cristina Quiñones*
52.  Violet de Borja*
53.  Virginia Moreno
54.  Adele Olives*
55.  Bae Gabao
56.  Benita Balangto
57.  Cez Rodriguez
58.  Cleo Llamas
59.  Consuelo Cabahit *
60.  Dolores Villanueva
61.  Elsie Kimayo
62.  Elvie Vicencio
63.  Felicidad Cobcobo-Kibad
64.  Generosa Utanes
65.  Germohina Degoro
66.  Hermogina Tapales
67.  Isabel Lovina
68.  Jean Marie Syjuco *
69.  Katrin De Guia
70.  Laida Lim
71.  Leonarda Solito
72.  Linda Milan *
73.  Linda Riego
74.  Lydia Cobcobo Dalupan
75.  Lydia Rumawak
76.  Maela Liwanag
77.  Maria Pad-eng Chilem
78.  Maribel Ongpin *
79.  Marivic Rufino *
80.  Martina Bontoc
81.  Miriam Tan *
82.  Mita Rufino *
83.  Myrna Sornillo
84.  Noni Pluquet *
85.  Phyllis Zaballero
86.  Portia Palomar
87.  Princess nemenzo
88.  Salud Tallada
89.  Susan Macuja*
90.  Vicky Rumawac

91.  Lucila Cordero
92.  Felicidad Nandres *
93.  Rica Rentzing
94.  Babeth Lolarga
95.  Julie LLuch- Dalena
96.  Victoria Serrano
97.  Alma Miclat
98.  Feny Delos Angeles- Bautista
99.  Neni SR Cruz
1100. Leticia Constantino
1101. Karina Bolasco




Itim na letra – LOLA 101, 1st Part - 53
Pulang Letra- LOLA 101, 2nd Part - 37
Asul na letra – LOLA 101, 3rd Part - 2

Violet- LOLA 101, 4th Part - 9