Saturday, December 15, 2012

LOLA 101. 4th Part (Print Gallery, BenCab Museum)

Artist’s Statement

Bakit Lola?

Dami ngang nagtatanong sa akin, specially yung mga lola na naiinterview ko.  Ano ba ang dapat kong isagot?  Opo, in love ako sa kanila.

Isa na siguro dahil si Nanay ay isa na ring lola at naging lola siya dahil sa akin, ako na isang bunso, ako pa ang nauna sa kanilang lahat kong kapatid na magkaanak.  Naniniwala ako na ito’y dahil na rin sa aking kagustuhan at kung maging positibo man ang epekto nito sa akin at sa mundo ay siguradong kasama ko na ang aking anak  sa pagsubaybay nito.

Simula nung nag-abroad si Daddy, kasa-kasama na namin lagi si nanay sa lahat ng bagay.  Mahirap paiyakin yun, at kahit ano pa man ang sabihin nila ay proud ako kay Inay. Siya ay naging itay na rin namin. Habang malakas pa siya, gusto kong punuan lahat ng pagmamahal ang bawat araw na kasama namin siya, dahil napakalayo na niya ngayon at kasalukuyang namamahala ng isang babuyan sa Pangasinan.  Ganunpaman, tuloy pa rin ang aming mga texts at call sa isa’t-isa.  Di ko nagawa lahat ng iyan sa sarili kong lola, kaya ako nangangalap ng 101 na mga lola para makabawi.  Gusto kong makinig sa mga istorya nila...