Artist’s Statement
Bakit Lola?
Dami ngang nagtatanong sa akin, specially yung mga lola na
naiinterview ko. Ano ba ang dapat
kong isagot? Opo, in love ako sa
kanila.
Isa na siguro dahil si Nanay ay isa na ring lola at naging lola
siya dahil sa akin, ako na isang bunso, ako pa ang nauna sa kanilang lahat kong
kapatid na magkaanak. Naniniwala
ako na ito’y dahil na rin sa aking kagustuhan at kung maging positibo man ang
epekto nito sa akin at sa mundo ay siguradong kasama ko na ang aking anak sa pagsubaybay nito.
Simula nung nag-abroad si Daddy, kasa-kasama na namin lagi si
nanay sa lahat ng bagay. Mahirap
paiyakin yun, at kahit ano pa man ang sabihin nila ay proud ako kay Inay. Siya
ay naging itay na rin namin. Habang malakas pa siya, gusto kong punuan lahat ng
pagmamahal ang bawat araw na kasama namin siya, dahil napakalayo na niya ngayon
at kasalukuyang namamahala ng isang babuyan sa Pangasinan. Ganunpaman, tuloy pa rin ang aming mga texts
at call sa isa’t-isa. Di ko nagawa
lahat ng iyan sa sarili kong lola, kaya ako nangangalap ng 101 na mga lola para
makabawi. Gusto kong makinig sa mga
istorya nila...




































No comments:
Post a Comment